Uy! Akala mo review ng palabas ni Kieffer Sutherland noh!? (tama man o mali yung spelling, wala akong pakialam) Sorry! wrong ka dyan tol! Hindi to review ng kahit anong palabas sa TV, edad ko yan.. (opo, 24 na ako.. you don’t believe me? tang ina mo! hahaha!) kaka-24 ko lang ngayon.. and masaya ako dahil alcohol-poweded ang aking sinusulat sa yo ngayon (I thank my sponsors: San Mig Light, Chicharong bulaklak and Chicharong Chicken skin)… Masarap palang magsulat ng sabog (sorry, low tolerance ako sa alkohol), hindi ko alam ang sinusulat ko.. mamaya pag nahihimasmasan na ko, malalaman ko din..
Hmm.. 24 na ako, pero kulang pa rin.. malapit na deadline ko, wala pa akong natatapos.. Well, in fairness, wala pa naman talaga akong importanteng natatapos.. It’s either mid-project abandonment, tinatamad, o nagsawa… usually, its nagsawa talaga.. (pucha, konyo!!!) mabilis na akong tamarion, mabilis na akong mabagot.. wala na kasing mga bagay na exiting, wala na akong ka-share ng komentaryo ko sa buhay, at sa baluktot na pagtingin ko sa mundo.. Inaamin ko, cynical ako… sabi nga ng iba, bitter and negative… pero I’m happy to say na mas maganda yung kinahinatnan ng pagigging cynical ko.. Mas malinaw ang pagtingin ko sa mundo, buhay at ibang tao. Hinuhubad ang lahat ng good intentions, para makita ang mga bulok na pakana, ang mga maiitim na balak.. Oo marahil unggoy sila, pero mas gago akong unggoy…
Madali na akong mabagot.. Ayoko na pakinggan yung mga taong mahilig pakumplikahin ang buhay para lang magmukha silang superior.. Madalas, magtanong ka lang ng simpleng bagay, wasak na trip nila.. nakaktawa dahil simple naman ang buhay, mga gago lang ang nagpapakumplika dito.
Maraming nagsasabing bitter ang pagtingin ko sa buhay. Madalas kong sagot, "at leat hindi na ako gaanong nadi-disappoint". Masaya na kong sabihin na ganito talaga ang buhay… mapait, brutal ant simple. Hindi kailangan ng optimism, pessimism at kung anu-ano pang mga "-isms"… Isang "-ism" lang ang mahalaga.. Realism.
Nakikita kong maikli ang magiging buhay ko.. Wala akong pakialam kahit gaano ito kaili, mahalaga, ginagamit ko ito.. Mas mabuti pang gamitin ko ang maikling buhay para gawin ang mga importanteng bagay para sa akin, kaysa sa magkaron ng mahabang buhay na nasayang lang. Mas nakaklungkot yun…
Hindi na ako naghaahnap ng higher purpose, yun bang purpose na tinakda ng diyos para sa akin. Sa aking pag-iisip, wala talagang diyos. And higher purpose ay ang purpose na gusto kong gawin sa buhay ko.. Wala nang pakialam ang mga tao sa paligid ko, o ang sasabihin ng madla sa mga plano ko.. Ang mahalaga, nakakatulog ako sa gabi, at gumigising ako na may ngiti sa mukha ko (kahit medyo sabog). Katarantaduhan lang ang god’s plan for life, dahil wala naman talagang god…